EMOTEra
Minsan OA lang tayo sa reaksyon natin sa nangyayari sa buhay natin. Pakiramdam mo, hindi mo na kayang magpatuloy dahil lang iniwan o iniwasan o iniwanan ka ng taong minsan mong sinandalan.
Hindi naman lahat ng luha para sa paglisan o pag-iwan. Pwede ring “biyaya”. Alam nyo ‘yong kasabihang ‘pag umuulan, may pinagpapala. Tulad ng tigang na lupa na pinaiinom ng ulan, maaaring ang mga luhang nai-IYAK mo tuwing gabing patay ang ilaw, ang magbigay ng liwanag at direksyon sa buhay mo.
Palaging ginigising ang isip ko ng kasabihang ito: “Loneliness is not the absence of affection, but the absence of direction.” Pasalamat na lang ako kasi kaya ko pa ring kumita para pakanin ang sarili ko sa kabila ng kawalan ko ng malinaw na direksyon.
Mayabong naman ako sa pagmamahal at suporta mula sa mga mahal ko sa buhay, ngunit sadyang iba ang hanap ng kaluluwa at puso ko. Hangga’t hindi natatagpuan ‘YON, malabong mahanap ko rin ang eksakto kong dapat kahinatnan.
When you lost the map, you’ve got to visit the bookstore and buy a new one.Life’s conveniences offer fast solution.
Sana lang ang “mapang” kailangan ko’y sa bookstore lang mahahanap.